Biyernes, Hulyo 5, 2013

Start to build a relationship with God


Note: Everything written on this post was just my opinion.

"Religion does not matter, it's the relationship you build with God." that's what I learned from my Christian friend.

I was born and baptized at a catholic church. This is a traditional life. Sometimes, I go to church every Sunday 6 pm near in our house (1 tricycle ride).

Ayos nga lang na pumunta ka ng church kahit late ka na, yung tipong Homily na yung maaabutan mo. Tapos yung sa paligid mo, parang pupunta lang ng party or bahay, nakashorts or nakaspaghetti tops.
Syempre nung una, wala lang sa paningin ko yung mga ganung bagay. Yung mindset ko nun, ok lang na malate ka or magsuot ka ng ganung damit at least you give time to God.

Minsan nga okay lang na hindi ka pumunta ng church. Marami minsan dahilan yung mga tao katulad ng tinatamad, may gagawin importante,  o kaya may hindi maiwan katulad ng business or kung ano ano pa.

Habang lumalaki ako, unti-unti nawawala yung atensyon ko kay God dahil sa sobrang kabusyhan sa school, dahil sa tinatamad ako (aaminin ko yun na may pagkaganun ak minsan) at naadik ako sa mga bagay-bagay.

Ngayon ko lang 4th year college napagtanto na mali pala lahat ng ginagawa kong iyon. Isa sa mga pamilya dito lumipat sa amin. Sila ay tinatawag na Christians.

May pinasagot sa amin na isang booklet at pagkatapos mo sagutan yun, may nakalagay sa likod kung kailan mo tinanggap si Jesus. Nasa isip ko nun matagal ko na siya tinangap pero ang nilagay kong date ay kung kailan ko sinagutan yung booklet. Tinuruan nila ako at pati yung ibang pamilya dito sa bahay na magbasa ng bible at kung paano mo dapat intindihin at isapuso ang "Word of God". Inopen ko ang sarili ko para kay God kasi gusto ko talaga siya makilala pa ng lubusan.

Pero nung nagstart na ko magOJT last summer, masasabi kong natalo talaga ako ng kaaway dahil tinigil ko na naman yung pagbabasa. Sabi kasi sa bible "Dapat daw nagbabasa ka ng bible tuwing umaga at gabi. Yung tipong bago mo gawin lahat ng gagawin mo, si God unahin mo ." Pero ako, aaminin ko, tinry ko manduga, yung tipong hindi ko nabasa ng ganitong araw pero kunware nabasa ko..iibahin ko lang yung date sa journal notebook ko hanggang sa nawala na yung pagbabasa ko and hindi na ako umaattend ng family altar.

Inaya ako na kumanta sa harap ng isang Christian song kasama yung kapatid ng boyfriend ko at pinsan nila. Nagpractice kami since hilig ko naman kumanta and dream ko rin magperform sa harap ng tao.

June 23, 2013 nagperform kami dalawang beses and sa pangalawang perfromance, kung kailan nanonood yung mga kamaganak tska ako napiyok (hindi ko talaga makakalimutan yun) pero i felt something different. kahit na napiyok ako gustong gusto ko yung ginagawa ko and dun lang sa church na yun naging emotional ako. So I decide to build a relationship with God.

Every Sunday I go to Christian Church and sa tuwing lalabas ako dun ,  palagi ako may natututunan about God and life. Nakakatuwa dahil hindi na rin kumpleto ang araw ko hanggat hindi ako nagbabasa ng bibile tuwing umaga and gabi. Mas gusto ko yung ganitong buhay ngayon dahil alam ko na may nabuild ako na relationship kay God and ang gaan sa feeling pag ginawa mo yun :)

At ngayon naintindihan ko na yung sinasabi ng Christian friend ko na relationship with God really matters.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento